Pinoy MMA star Eustaquio, itinanghal na ONE FC World Champion

MACAU – Itinanghal na undisputed ONE Flyweight World Champion si Pinoy MMA star Geje Eustaquio nang gapiin ang dating kampeon na si Adriano Moraes ng Brazil via split decision nitong Sabado sa ONE: PINNACLE OF POWER sa Studion event dito.

NAGAWANG makaiskor ni Geje Eustaquio laban sa mabilis na si Moraes

NAGAWANG makaiskor ni Geje Eustaquio laban sa mabilis na si Moraes

Sa co-main event, napanatili ni Xiong Jing Nan ang ONE Women’s Strawweight World Championship nang dominahin si Laura Balin tungo sa unanimous decision win.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nagpamalas ng bilis at tapang ang miyembro ng Team Lakay na si Eustaquio upang maiwasan ang pangigipit ng karibal, at sa pagkakataon nakapagpapatama ng Pinoy sa mukha ang katawan ng Brazilian rival.

“The feeling is awesome. I want to thank all my kababayans (countrymen) here who came out to support me. I came to Macau with one vision, and that is to [unify the flyweight titles], and I know I am not capable of doing this alone. I want to thank God, Team Lakay, and of course my family. And to all the fans, thank you so much for the undying support. Ladies and gentlemen, when I started 14 years ago, this was impossible. But now, after 14 years, impossible is not a word, it’s just a reason. Anybody can be a world champion, as long as you have the drive and the attitude. I am proud to be the undisputed ONE Flyweight World Champion this time,” sambit ni Eustaquio, ang bagong ONE Flyweight World Champion.

“He said I’m tapping; ‘Honestly, you’re tapping,’ he was telling me after the fight,” sambit ni Eustaquio, hingil sa reklamo ni Moraes. “But we have the video. We got the best referee in ONE Championship in Olivier Coste standing on our side.”

“I bet I wasn’t tapping. I will slip off that choke,” aniya.

Ilang u l i t na nalagay sa alanganin si Eustaquio gayundin sa posibleng submission, ngunit mabilis siyang nakaiwas para patunayan na siya ang kari ng ONE Rematch.

Kinapos naman ang Pinoy na si Edward Kelly nang mabigo kay Jadambaa Narantungalag via ref stoppage sa kanilang featherweight bout.