Batang atleta, pararangalan ng PSC-POC Media Group
BIBIGYANG parangal ng Philippine Sports Commission (PSC)- Philippine Olympic Committee (POC) Media Group ang kabuuang 50 kabataan atleta sa gaganapin na Phoenix Siklab Sports Youth Awards sa Hunyo 27 sa Century Park Hotel.
Pangungunahan nina 1996 Winter Olympic silver medalist Mansueto “Onyok” Velasco at 2016 Rio Olympic silver medalist Hidilyn Diaz ang talaan sa tatanggaping Sports Idol sa programa na itinataguyod ng POC-PSC Media Group na pinamumunuan ni June Navarro ng Inquirer.
Tatanggap naman ng POC Young Heroes Awards sina Kim Remolino ng triathlon, Rex Luis Krog ng cycling, Chezka Centeno ng billiards,Samantha Kyle Catantan ng fencing, Nicole Tagle (archery), Maria Takahashi (judo),Alex Eala (tennis), Veruel Verdadero (athletics) at si Bhay Newberry (swimming).
Kasama rin sa nasabing listahan ng awardees sa naturang kategorya sina Mary Angeline Alcantara (taekwondo), Rafael Barreto (swimming), Angelo Kenzo Umali (bowling);
Caloy Yulo (gymnastics), Kaitlin De Guzman (gymnastics), Bea Hernandez (bowling), Sarah Barredo (badminton), John Vincent Pangga (boxing), Kenneth dela Pena (boxing), Allaney Jia Doroy (chess), Ghen-Yan Cruz (muay), Johnzenth Gajo (wushu), AJ Lim (tennis),Criztian Pitt Laurente (boxing) at si John Paolo Rivero (weightlifting).
Sa kategorya naman ng POC Super Kids Award, kasama ang mga pangalan nina Kai Sotto (basketball),Tara Borlain (athletics), Marco Umgeher (alpine skiing), Dexy Manalo (canoe-kayak), Morris Marlos (sailing), Rizumu Ono (table tennis), Rosegie Ramos (weightlifting), Daniel Quizon (chess),Jane Linette Hipolito (weightlifting),Kieth Absalon (football),Justin Ceriola (jiu-jitsu), Trojan Dangadang (canoe-kayak), Christine Talledo (dragonboat) at si Eya Laure (volleyball).
Para naman sa PSC Children’s Games for Peace Awards ay kabilang naman ang mga batang atleta na sina Jayvee Alvarez (athletics), Rick Angelo Sotto (athletics), Kaila Soguilon (swimming), Althea Michel Baluyot (swimming), Ethan Zafra (archery), Micaela Jasmine Mojdeh (swimming), Karl Jahrel Eldrew Yulo (gymnastics), Princes Sheryl Valdez (arnis),Jared Cole Sua (archery) at si Phoebe Nicole Amistoso (archery).
Ito ang unang pagkakataon na nagbigay ng parangal ang Media Group, sa tulong ng PSC katuwang ang POC at ng mga sponsors na Phoenix Petroleum, Standard Insurance, Philta, Vernica, Philippine Bowling Federation, Veloci, Omila Sports Academy, Cignal, Digital Out of Home at Ripples Daily.
-Annie Abad