NAGSIMULA sa teatro si Jerald Napoles, at madalas na drama ang ginagampanan niya. Pero napansin lang siya nang lumipat siya sa pagko-comedy, sa teatro man, TV shows, o pelikula.

Jerald copy

Kaya naman masaya siya, at aminadong feeling leading man na, nang dumating siya sa second presscon niya for that day nitong Martes. Una ang presscon nila ng leading lady niyang si Valeen Montenegro para sa movie nilang The Write Moment, na ipalalabas na, produced by IdeaFirst Company at Viva Entertainment. Ipinalabas na last year ang nasabing pelikula sa Quezon City Film Festival.

Kuwento ni Jerald, sa movie ay gagampanan niya ang karakter ni Dave, isang professional wedding videographer na sideline ang pagiging movie scriptwriter. Girlfriend niya si Valeen, as Joyce, na bigla na lamang siyang hiniwalayan nang walang dahilan. Hindi niya matanggap iyon, kaya naman napasulat tuloy sila ng movie script para sa kanilang dalawa ni Joyce, ang kaibahan, happy ang ending ng isinulat niyang story. Sa huli, na-realize niya na kailangan lang pala niyang sundin ang sarili niyang script para magkatuluyan sila.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang daming hugot lines sa movie na tiyak na magugustuhan ng mga manonood.

Sa direksiyon ni Dominic Lim, showing na ang The Write Moment sa Wednesday, June 27, in cinemas nationwide. May premiere night sila sa Monday, June 25, sa Robinson’s Galleria.

“Sa palagay ko po, sa The Write Moment ay nabuksan ang doors sa akin, na puwede pala akong maging leading man,” biro ni Jerald. “Kaya very thankful po ako na in-accept nila ako, na from drama sa theatre, nagpapatawa ako. At kita poi to sa live audience sa Sunday Pinasaya ng GMA-7.

“May gagawin din akong three movies, ang Nakalimutan Kong Kalimutan Ka with Alex Gonzaga at Vin Abrenica; Pangarap kong Holdup with Paolo Contis; at Mina Anod with Dennis Trillo.

“Sa Real, Quezon kami magsu-shoot (ni Dennis), dahil tungkol sa surfing ang story nito. Sa August po ay mapapanood na rin ako sa Rak of Aegis sa PETA, sa third year na presentation nito.”

Kumusta naman ang love life ni Jerald, may gusto ba talaga siya kay Valeen?

“Hindi po totoo, kulitan lang naming ‘yun ni Valeen sa Sunday Pinasaya. Nagkikita pa rin kami ng French girlfriend ko, like noong minsang dumating siya, kasama ang boyfriend niya,” kuwento pa ni Jerald. “Dati ay pinasusunod niya ako sa France, pero hindi ko ginawa. Sayang naman ‘yung career ko rito, na medyo bumobongga na ngayon.

“Mas gusto kong mabigyan muna ng magandang buhay ang pamilya ko. Gusto kong mabigyan ng bahay ang nanay ko at maipasyal siya sa ibang bansa kapag nakaipon pa ako,” seryoso nang sabi ni Jerald.

-Nora V. Calderon