Binabalak ng gobyerno na taasan ang unconditional cash aid para sa mahihirap upang mas matulungan sila sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Ayon kay Finance Undersecretary Karl Kendrick Chua, handa ang pamahalaan na dagdagan ang P200 financial aid ng gobyerno para sa mahihirap alinsunod sa social benefit program ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
Magbibigay din ng fuel subsidies sa public utility drivers na lubhang apektado ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
-Beth Camia