WELLINGTON (AFP) – Isang malusog na baby girl ang isinilang ni New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern kahapon.

Ipinanganak ng 37-anyos na si Ardern sa isang ospital sa lungsod ng Auckland ang kanilang panganay ng partner niyang si Clarke Gayford.

Si Ardern ang pangalawang world leader na nanganak habang nasa puwesto. Sinundan niya ang mga yapak ng yumaong si Pakistan prime minister Benazir Bhutto, na noong 1990 ay naging natatanging babaeng naitala sa kasaysayan ng mundo na nagsilang habang nasa kapangyarihan.

Si Deputy Winston Peters ang ngayo’y acting prime minister habang nasa anim na linggong maternity leave si Ardern
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina