MATAPOS ang halos dalawang taong hindi pagsampa sa ring, magbabalik sa boksing si Dave Peñalosa laban kay dating Indonesian light flyweight champion Ricky Manufoe sa Hulyo 7 sa Bohol Wisdom School Gymnasium sa Tagbilaran, Bohol.

Binansagang “Rumble in Bohol”, inaasahang patutulugin ni Penalosa ang Indonesia journeyman na may masamang rekord na 27-34-3 win-loss-draw at may pitong talo sa huling 10 laban.

May magandang rekord si Penalosa na perpektong 12 panalo, 8 sa pamamagitan ng knockouts at huling lumaban noong Setyembre 3, 2016 nang talunin sa puntos si Edison Berwela sa Pasay City.

“This is the comeback of Dave, this promises to be a good fight. I am inviting all our friends and boxing aficionados to watch this bout,” sabi ng tiyuhin ni Dave na si two-division world titlist Gerry Peñalosa sa Philboxing.com.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Napinsala ang isang kamao ni Dave kaya pansamantala siyang tumigil sa pagboboksing at nagpa-therapy sa pag-aalaga ng kanyang ama na si two-division champion rin na si Dodie Boy Penalosa.Lalaban si Dave para sa bakanteng WBO featherweight Asia-Pacific regional belt kapag nanalo siya kay Manufoe.

Sa undercard ng sagupaan, kakasa naman ang pinsan ni Dave na si Carlo Peñalosa laban kay dating Indonesian minimumweight champion Iwan Key sa loob rin ng 10 rounds.

-Gilbert Espeña