CONCEPCION, Tarlac – Nalagutan ng hininga ang isang construction worker nang malunod sa Lukong River, sa Barangay San Jose, Concepcion, Tarlac, kamakalawa.

Ang biktima ay si Gerry Baladad, Jr., 22, ng Bgy. San Luis, Tarlac City.

Sa follow-up investigation ni SPO1 Aries Turla, naganap ang insidente sa tinutuluyang barracks ng biktima, bandang 2:00 ng hapon. Nakipag-inuman ang biktima sa mga katrabaho at nagkayayaan maligo sa ilog hanggang tinangay ng tubig si Baladad.

Patay na ang biktima nang isugod sa ospital.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

-Leandro Alborote