ROME (AFP) – Inakusahan nitong Miyerkules ng far-right interior minister ng Italy ang Spain na nabigo sa pangakong tatanggapin ang migrants, sinabi na dapat nitong saluhin ang ‘’next four’’ rescue boats matapos padaungin ng Madrid ang isang tinanggihan ng Rome.

Pinatutsadahan ni Minister Matteo Salvini ang Spain ng mga puna na nauna nitong ibinato sa France, inakusahan ang mga bansa na kapiranggot na bilang ng migrants ang tinatanggap batay sa napagkasunduan nila sa European Union.

Sinabi ni Salvini sa press conference na ang Spain ‘’can therefore receive the next four boats’’ ng migrants na sinagip sa Mediterranean.

Inaasahang magiging mainit ang usapan sa migration sa EU summit sa Hunyo 28.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

‘’If Europe thinks that Italy will continue to be a refugee camp, it is mistaken,’’ ani Salvini. ‘’Italy only wants to help Italians.’’