MOSCOW (AP) — Naisalba ng Senegal ang napipintong kahihiyan ng Africa sa World Cup.
Ginapi ng Senegal ang Poland, 2-1, nitong Martes (Miyerkules sa Manila) para mailigtas ang Africa sa bantang pinakamasaklap na simula sa kasaysayan ng World Cup.
Pawang nabigo sa kanilang opening match ang Egypt, Morocco, Nigeria at Tunisia. Matapos ang panalo ng Senegal, nakamit naman ng Egypt ang ikalawang sunod na kabiguan nang pataobin ng host Russia, 3-1.
Noong 2002, naipanalo rin ng Senegal ang opening match laban sa noo’y defending champions France, 1-0. Ngunit, kung ikukumpara ang damdamin sa panalo, para kay coach Aliou Cisse mas ispesyal sa kanila ang 2002 panalo sa French, ang dating may hawak sa Senegal.
“It is not the same thing, not the same flavor,” pahayag ni Cisse. “Everyone knows the history of France and of Senegal. France was the colonizing power of Senegal. We were the immigrant sons of that France.”