NAKAMIT ng Fil-American guard na si Stanley Pringle ang kanyang unang Cignal- PBA Press Corps Player of the Week award matapos ang impresibong performance sa naitalang panalo ng GlobalPort kontra defending champion San Miguel Beer.

Nagpamalas ang shifty guard mula sa Penn State ng all-around numbers na 22 puntos, 8 rebounds, 5 assists at 3 steals, upang pamunuan ang Batang Pier sa 98-94 panalo kontra Beermen nitong Miyerkules.

Kagagaling lamang mula sa pagiging kinatawan ng bansa sa katatapos na 2018 FIBA 3x3 World Cup, rumatsada si Pringle sa final period kung saan siya umiskor ng walong puntos, dalawang rebounds at isang krusyal na steal na nagbigay daan sa basket ni Mo Tautuaa na sumelyo sa kanilang panalo na nag-angat sa kanila sa patas na markang 4-4.

Kasalukuyang nasa panglimang puwesto ang GlobalPort katabla ng kanilang biktima.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Inungusan ni Pringle para sa lingguhang citation sina Meralco guard Jared Dillinger at KG Canaleta, Rain or Shine sniper James Yap at big man Beau Belga at Ginebra playmaker LA Tenorio.

-Marivic Awitan