Handa ang Bangko Sentral ng Pilipinas na aksyunan ang labis na pagbabago sa foreign exchange market.
Ito ang tiniyak ni BSP Governor Nestor Espenilla matapos bumulusok sa pinakamababang lebel na P53.39 ang palitan ng dolyar at piso sa nakalipas na 12 taon.
Bagamat market-determined ang exchange rate, tiniyak ni Espenilla na handa ang BSP na umaksiyon para mapigilan ang “excessive peso volatility.”
Para naman kay BSP Deputy Governor Diwa Guinigundo, ang paghina ng piso ay bunsod ng paglakas ng imports, na maituturing din senyales ng malakas na ekonomiya.
-Beth Camia