INAMIN ni Kris Aquino na hindi maiiwasang makadama pa rin ng galit sa isang taong wala na sa buhay mo kung may mahal mo pa ito.

Kris

Sa presscon sa Dolphy Theater nitong Lunes ng gabi para sa pelikulang I Love You, Hater nila nina Joshua Garcia at Julia Barretto, natanong si Kris kung totoo bang “when you love, you also hate?” “Ang sagot ko diyan, when you’re still capable of hating someone you once love that means there is still love. Pero ‘pag deadmabells ka na or carebears ka na sa buhay niya, that means naubos na ‘yung love,” sagot ni Kris.

“Bago kayo mag-react sa likod (supporters), I still care about him (Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista). Ang tinutukoy ko na wala na akong pakialam sa kanya ‘yung tatay ni Bimb (James Yap), klarong-klaro tayo.

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

“Kung saan tayo nakatayo ngayon at kung saan located ang ABS-CBN, he can still make me hate him, so that means I still have feelings for him,” nakangiting pag-amin ni Tetay na sinundan ng nakakabinging hiyawan ng kanyang supporters.

Sa tanong kung sino ang huling taong kinamuhian pero mahal pa rin ni Kris ay diretsahan nang umamin siya.

“The Mayor (Bistek). I said na kaya kong i-give up ang pagiging Kris Aquino ko para lang sa ‘yo and yet kulang pa rin ‘yan para sa ‘yo? Sabi ko, if the man never say sorry, who is President (Rodrigo) Duterte nagpaabot sa akin ng sorry, bakit ikaw (Herbert), hindi ka nag-I’m sorry sa akin?” kuwento ni Kris. “And he (HB) said to me, mag-usap tayo nang harapan, and I said para ano pa.”

May closure ba sina Bistek at Tetay? “Sa movie may closure, pero sa totoong buhay hindi ibinibigay sa ‘yo ang closure. I don’t… ‘yun lang ang sinabi ko, so until now may galit lang kasi siguro nagmahal.”

Sino ang huling nagsabi ng ‘I Love You’ sa kanilang dalawa?

“You know if I answered that, he’ll deny it, so I’d rather not answer that dahil ilang beses ba niya akong dinenay.”

Napansin ng lahat na ang ganda-ganda at ang sexy ni Kris ng gabing iyon, sa suot niyang black blazer ng Balmain. Ang malambot at kumikinang-kinang na pantalon naman niya ay gawa ni Roland Mouret, habang ang makintab din niyang sapatos ay Aiaia, na nabili sa Net-A- Porter.

At para masigurong pumayat na nga si Kris ay ipinahubad ang suot niyang blazer at totoo nga, wala siyang itinatagong fats, dahil tinunaw daw lahat ng Ultherapy.

“May pinapatunayan ako. Meron akong gusto makanood nito at magsisi. Hindi ako kumakain minsan, tinitiis talaga, dahil ang greatest motivation ng kahit sinong babae is to make those who made you feel that you are not good enough to regret their mistake.

“Kinailangan ko lang na maramdaman niya, at kailangan ko na marinig niya na sinasabi mo ‘yan ngayon (maganda at sexy siya). Kinailangan ko na ‘pag mapanood sa big screen, dahil alam ko naman kung ilan ang billboards na tataas, para every time madaan sa billboard, masasamid.”

Grabe ang ingay at tawanan ang lahat ng nasa Dolphy Theater nang sabihin ito ni Kris, dahil kahit hindi niya binabanggit ang pangalan ni Mayor Herbert, ay hindi rin siya nakatiis na ibuking kung para kanino siya nagpapa-ganda at sexy.

Rumampa pa si Kris sa stage sabay sabi: “Hashtag Mayor, this is what you’re missing!”

-REGGEE BONOAN