GABI ng bukingan ang grand presscon ng pelikulang I Love You, Hater, na dinaluhan nina Direk Giselle Andres, Joshua Garcia, Julia Barretto, Mark Neumann, Allora Sasam, at Kris Aquino, na sunud-sunod ang pagbubulgar ng mga impormasyon na susundan niya ng “paki-edit na lang”.

Bimby at Julia lang po

Nadulas kasi si Kris na hindi pa tapos ang shooting ng I Love You, Hater, na hindi pala puwedeng sabihin. Aniya, hindi naman daw siya na-brief bago sumalang sa presscon.

Nakikita naming napapakamot na lang ng ulo ang Star Cinema executives na nasa Dolphy Theater sa mga pinagsasabi ng nag-iisang Queen of Online World and Social Media.

Tsika at Intriga

Moira Dela Torre, pinakawalan na ng management dahil sa attitude problem?

Maging si Bimby ay hindi rin nakaligtas sa pambubuking ng ina; sinabi ng TV host-actress na in love ang kanyang bunso kay Julia, at hinihintay lang nitong magkamali si Joshua.

“Bimb is so in love with Julia and sinabi niya sa akin talaga na…” napatigil sa pagsasalita si Kris nang pigilan siya ng anak, pero itinuloy niya ang sinasabi. “Sinabi niya (Bimby) sa akin na ‘in seven years, when I’m 18, Ate Julia will still be in her late 20s, puwede and we can be together’.”

Ibinuking din ni Kris na hinalikan ni Bimby si Julia nang 40 times sa lips, kaya tawanan ang lahat ng nasa venue at wala na lang masabi ang bagets.

“Ako sa pisngi lang hinahalikan ni Bimb, si Julia sa lips. Iba ang kamandag ni Julia Barretto,” kuwento ni Kris habang napapailing ang huli.

Ibinuking din ni Kris ang magandang ugali ni Joshua. “Naiintindihan ko na kung bakit in love si Julia.”

Grabe ang tilian at hiyawan ng lahat, habang hindi naman malaman ni Julia kung ano ang ire-react. “Okay, I revealed that for you guys, sorry,” tumatawang sabi ni Kris sa JoshLia.

“Ang tagal ko na [sa industriya] ‘di ba. Ang dami ko nang nakatrabaho, pero si Joshua Garcia will be here (showbiz), 15-20 years from now, he will become one of the greatest actors in the Philippines ever,” palakpakan ang JoshLia supporters na nasa balcony section ng Dolphy Theater.

“But Julia has hunger and that is very important. Iba ‘yung gutom ka to prove yourself and she has that.”

Pati ang tatlong oras na tulog lang nina Josh at Julia dahil sa shooting ng I Love You, Hater ay naidaldal din ni Kris.

Mapapanood na sa Hulyo 11 ang I Love You, Hater, mula sa Star Cinema, sa direksiyon ni Giselle Andres, habang ang script ay isinulat nina Rona Co at Kristine Gabriel.

-Reggee Bonoan