HINDI nagpakabog si Valeen Montenegro sa tweet ng isang netizen against her.

Valeen copy

Nakasaad sa tweet: “ayuko kay @valeentawak pabibo masyado kay alden! Ang OA pa nya sa sps! Bwiset.”

Sagot ni Valeen, “So, ako ba mag-a-adjust?”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kumampi kay Valeen ang netizens na nakabasa sa nasabing tweet, dahil nagtatrabaho lang naman sila ni Alden Richards sa Sunday Pinasaya. Nagseselos lang siguro ang fan na obvious na fan ng isang love team.

Pinayuhan din si Valeen na huwag nang pansinin ang fan at ang iba pang nagre-react sa closeness nila ni Alden. Close naman talaga si Alden sa lahat ng taga-Sunday Pinasaya maliban kay Julie Anne San Jose, dahil nagka-isyu nga sila dati. Pero nagbabatian naman daw sila, sabi ni Julie Anne.

Nagtaka lang kami kung bakit dinelete ni Valeen sa Twitter feed niya ang nasabing tweet. Sabagay, ayaw na lang siguro niyang makabasa ng nega sa kanyang feed, lalo na ngayong nagpo-promote siya ng movie nila ni Jerald Napoles na The Write Moment. Showing ang movie sa June 27.

Hindi ito ang first time na ginawan ng isyu sina Valeen at Alden. Pansamantala lang itong nawala nang ma-link si Valeen kay Ruru Madrid, tapos heto, balik na naman kay Alden.

Bukod kay Valeen, inaway na rin ng fans ni Alden ang iba pang aktres na nali-link o pilit inili-link sa kanya, gaya nina Andrea Torres, at recently nga, si Bea Binene.

-Nitz Miralles