TRENTON, New Jersey (AP) — Nais bigyang-pugay ng New Jersey ang celebrity chef na si Anthony Bourdain sa pamamagitan ng food trail.

Anthony Bourdain

Natagpuang patay ang popular na cook, writer at host ng CNN series Parts Unknown halos dalawang linggo na ang nakararaan sa isang luxury hotel sa France. Isinilang ang 61 taong gulang na celebrity sa New York, ngunit lumaki sa New Jersey suburb ng Leonia.

Isinulong ni Democratic New Jersey Assemblyman Paul Moriarty nitong Lunes ang isang resolusyon na mag-aatas sa Travel and Tourism Division na gumawa ng Anthony Bourdain Food Trail. Binisita ni Bourdain ang 10 eatery sa bansa noong 15 episode ng Parts Unknown.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Isa sa mga pinuntahan niya ang Donkey’s Place sa Camden, na sinabi niyang maaaring kalabanin ang Philadelphia para sa kanilang cheese steaks.

Manila Bulletin Entertainment