ELIZABETH, N.J. (Reuters) – Nakiisa ang Democratic lawmakers sa mga nagpoprotesta sa labas ng immigration detention facilities sa New Jersey at Texas nitong Linggo para sa Father’s Day demonstrations laban sa gawain ng Trump administration na paghihiwalay sa mga anak sa kanilang mga magulang sa U.S.-Mexico border.

STOP THIS! Nagpoprotesta ang mga tao laban sa U.S. immigration policy na inihihiwalay ang mga bata sa kanilang mga pamilya kapag pumasok sila sa United States bilang undocumented immigrants, sa labas ng Tornillo Tranit Centre, sa Tornillo, Texas, nitong Linggo. (REUTERS/Monica Lozano_

STOP THIS! Nagpoprotesta ang mga tao laban sa U.S. immigration policy na inihihiwalay ang mga bata sa kanilang mga pamilya kapag pumasok sila sa United States bilang undocumented immigrants, sa labas ng Tornillo Tranit Centre, sa Tornillo, Texas, nitong Linggo. (REUTERS/Monica Lozano)

“This must not be who we are as a nation,” sinabi ni Representative Jerrold Nadler, isa sa pitong miyembro ng Congress mula sa New York at New Jersey na nakipagpulong sa limang detainees sa loob ng pasilidad sa Elizabeth, New Jersey. Tatlo sa mga ito ang nagsabing inihiwalay sa kanila ang mga batang kasama matapos humingi ng asylum sa border.

Sinabi ng U.S. officials nitong Biyernes na 2,000 bata ang inihiwalay sa matatanda sa border mula Abril hanggang Mayo.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Sa South Texas nitong Linggo, ilang Democratic lawmakers, kabilang si Senator Jeff Merkley, ang bumisita sa Border Patrol Processing Center sa McAllen para bigyang pansin ang polisiya, habang pinamunuan ni Representative Beto O’Rourke ang protest march patungo sa isang temporary detention facility para sa immigrant children na itinayo malapit sa El Paso.

Ilang moderate Republicans ang nanawagan din kay Trump na itigil ang separations. Lumiham sina Senators Susan Collins at Jeff Flake sa White House officials nitong Sabado na humihiling ng mga karagdagang impormasyon sa polisiya.

“It is inconsistent with our American values to separate these children from their parents,” ani Collins sa CBS’ “Face the Nation” nitong Linggo.

Isinisi naman ng White House sa Democrats ang sitwasyon, sinabi na ang kanilang suporta sa pagpasa sa mas malawak na immigration bill ang magwawakas sa mga paghihiwalay na ito.

Sinabi ni White House adviser Kellyanne Conway sa “Meet the Press” ng NBC nitong Linggo na: “As a mother, as a Catholic, as somebody who has got a conscience. ... I will tell you that nobody likes this policy.”

“You saw the president (say) on camera that he wants this to end,” dugtong niya.