MACAU, China -- Itataya ng tinaguriang “The Southern Eagle” na si Ma Hao Bin ng China ang matikas na six-match streak na karta sa pakikipagtuos sa pambato ng Team Lakay ng Baguio City na si Danny Kingad sa undercard ng ONE: PINNACLE OF POWER sa Enero 23 dito.

MA: Star fighter ng ONE FC.

MA: Star fighter ng ONE FC.

Tangan ng 24-anyos Chinese national freestyle wrestling champion ang malinis na 6-0 karta sa ONE matapos mag-debut noong 2016 sa

ONE: DYNASTY OF CHAMPIONS (CHANGSHA) Flyweight Tournament Championship kung saan ginapi ang kababayang sina Wu Ting Shen at Bu Huo You Ga.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa kabuuang, tangan ni Ma ang 11-2 karta, tampok ang apat na submission at dalawang knockouts.

Sa kanyang huling laban nitong Enero, ginapi ni Ma ang beteranong si Sotir Kichukov ng Bulgaria.

Laban kay Kingad, target ni Ma na patatagin ang katayuan bilang isa sa matibay na fighter sa pinakamaking MMA promotion sa Asya.

“Nothing is easy. A person has to go through hardship to become successful. I know it will be hard, but I am willing to dig deep and get that victory. In order to be a winner, you have to endure. I am here to endure all the hardships because I want to be the best in the division,” pahayag ni Ma.

Tunay na hindi basta-basta ang karibal niyang si Kingad na may professional record na 9-1. Tanyag ang 22-anyos na Baguio City native sa pagiging striker at lakas na taglay sa grappling.

“He is so talented as a fighter. I can say that he is exceptional for a flyweight like me. That’s why I am exerting my best effort in training. He is an opponent worthy of a good battle. This match excites me,” pag-aamin ni Ma.

Matapos ang kabiguan kay Moraes sa ONE Flyweight World Championship noong Nobyembre, kaagad na nakabawi si Kingad sa panalo kontra Kichukov nitong Marso.

“We both faced Sotir Kichukov in ONE Championship, and we did walk away with respective victories. Honestly, I believe that I’ve done better than him against Sotir. In our ring clash this Saturday, the commitment to hone and perfect my craft will once again be in full display against Danny,” pahayag ni Ma.