NSA na may utang sa PSC, walang ‘financial assistance’

No liquidation, no financial assistance.

Mas mahigpit na policy hingil sa naturang kautusan ang ilalarga ng Philippine Sports Commission (PSC) bilang bahagi ng reporma at pagtalima sa kautusan ng Commission on Audit (COA).

Ayon kay PSC Commisioner Ramon ‘El Presidente’ Fernandez, inatasan nila ang National Sports Association (NSA) Affairs Office na paalalahanan ang mga NSAs upang makahanap sila nang alternatibo sa kanilang mga programa.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“We received notice from COA. Kung hindi makapag-liquidate, huwag nang magbigay ng financial supports,” sambit ni Fernandez.

Iginiit ni Fernandez na matagal na itong ‘policy’ ngunit hindi magawan ng kamay na bakal dahil sa kasalukuyan sitwasyon kung saan naghahanda ang bansa para sa pagsabak sa Asian Games sa Jakarta, Indonesia sa Agosto at muling host ang bansa sa SEA Games sa 2019.

“We recommend that PSC Board of Commissioner to require the Acting Head, NSA Affairs Office to discontinue the processing of the request for new/ additional FA to NSAs with outstanding accounts,” bahagi ng rekomendasyon na ipinadala ng COA sa PSC.

Ayon kay Fernandez, susunod lamang ang kanilang pamunuan sa kung ano ang rekumendasyon ng COA hinggil sa nasabing isyu.

“Susundin lang namin kung ano ang recommendation ng COA for that matter,” aniya.

Kasama rin sa nasabing rekomendasyon ang mga NSAs na humihingi ng karagdagang tulong pinansyal sa PSC para sa kanilang pagsasanay.

“Likewise, we strongly recommend, that PSC Board of Commissioners to stop the grant of additional FA to NSAs with outstanding accounts,” ayon pa sa COA.

Ayon kay Fernandez, napapanahon na para tumayo sa sariling mga paa ang mga NSA at huwag na iasa lamang sa pamahalaan ang gastusin para sa grassroots sport development program ng kanilang mga asosasyon.

‘Look for sponsors. Actually, ito naman talaga ang dapat gawin ng mga NSA,” ayon kay Fernandez.

Inamin ni Fernadez na sa 64 NSAs, iilan lamang dito ang may mga opisyal na handang mag-abono para sa training at program ng NSA.

“Mas marami pa yung mga may unliquidated eh,” aniya.

-Annie Abad