Upang matiyak na maayos ang economic planning ng bansa particular na ang “Build, Build, Build” infrastructure program ng pamahalaan, nais itong silipin ni Senator Sherwin Gatchalian.

Ayon kay Gatchalian umabot na kasi sa P6.65 trilyon ang utang ng bansa nitong Disyembre 2017. Naglaan din ng P329.05 bilyon para sa debt servicing sa 2018 General Appropriations Act (GAA).

“There is a need to closely monitor the debt obligations and modes of financing incurred and adopted by the Duterte administration for its “Build, Build, Build” program to ensure transparency, accountability, and prudent use of loans and other financing methods utilized by the government,” nakasaad sa kanyang Senate Resolution No. 759..

Aniya, hindi kasi biro na 40 sa 75 proyektong naaprubahan nitong Hulyo 2017 ay pinondohan sa pamamagitan ng Official Development Assistance (ODA), na pinaglaanan ng P1.006 trilyon.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

-Leonel M. Abasola