Nagpakitang-gilas na sa isa’t isa ang mga hepe ng pulisya sa Region 4B, at napaslang ang dalawang umano’y drug pusher at nadakip ang 138 iba pa sa magkakahiwalay na anti-illegal drugs operations sa rehiyon.

Ito ay kasunod ng pagkakasibak sa 24 na hepe ng pulisya sa Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) dahil na rin sa malamyang accomplishments ng mga ito sa pagsugpo sa ilegal na droga sa rehiyon.

Paliwanag ni Police Regional Office (PRO)-4B director, Chief Supt. Emmanuel Licup, kabilang sa mga nadakip ang tatlong high-value target sa droga, at ang isa sa mga ito ay nasa drug list din ni Pangulong Duterte.

“The eight-day intensified police operations also led to the death of barangay councilor Ildefonso Minoza Nanola who is an identified street level target (SLT) of Puerto Galera in Oriental Mindoro, and newly elected Barangay Captain Pistoh Akin Hamja, identified high value target of Balabac town of Palawan,” paglalahad ni Licup.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa kabuuang bilang ng mga naaresto, 52 ang sangkot umano sa illegal drugs, 42 ang nasa listahan ng wanted persons, habang ang iba ay nahaharap sa iba’t ibang kaso.

Idinetalye pa ni Licup na ang nasabing magkakahiwalay na operasyon ay isinagawa nitong Hunyo 8-16 pagkatapos masibak sa posisyon ang 24 na hepe sa rehiyon.

-Aaron Recuenco