Sampung drug personalities ang nadakip sa magkakahiwalay na illegal drugs operations sa Region 2.

Sa report mula sa tanggapan ni Police Chief Supt. Jose Mario Espino, Police Regional Office 2 regional director, ang mga inaresto ay sina Richard Ambiong, 40, ng Barangay Centro 09, Aparri, Cagayan; Ferdinand Del Rosario, 32 ,ng Bgy. Magapit, Lal-lo, Cagayan; Virgilio Arculesa, 42, ng Purok 1, Buenavista, Santiago City; Bienvenido Cainguitan, ng Claveria, Cagayan; Garry Gabarda, 35, ng Bgy .San Isidro, Jones, Isabela; Jaypee Gabriel, 22, ng Bgy. Mambabanga, Luna, Isabela; Armenio Miguel, Sr., 46 ng Bgy. San Placido, Roxas, Isabela; Franco, 17, ng Lansones St., Bgy. Caloocan, Santiago City, Isabela; Marlon Abad, 34, ng Bgy. Aurora West, Diffun, Quirino; Kyle Soriano, 19, tubong Baler, Aurora.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

-Liezle Basa Iñigo
Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito