Ni Argyll Cyrus B. Geducos

Tinatanaw ngayon ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na utang na loob sa amang si Pangulong Rodrigo Duterte ang kinalalagyan niya ngayon sa lipunan.

Sinabi ng alkalde na kung hindi dahil sa tikas at higpit ng kanyang ama ay hindi niya makakamtam ang estado niya ngayon.

Sa kanyang mensahe kahapon, bisperas ng Fathers’ Day ngayon Linggo, pinasalamatan ng alkalde ang Pangulo sa pagpapalaki sa kanya nang tama at sa pagsusulong sa kanya na gumawa nang mabuti, kahit pa mayor na siya ng Davao City.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Aniya, sinabi sa kanya ng ama na ang pagtatrabaho sa bansa ay lalong magpapatingkad sa kanyang kabuluhan sa lipunan bilang isang tao.

“Dear Digong, You were hard on me about education and work. You impressed upon me that I am not a person if I am not a lawyer or a doctor and if I do not work for our country.

I am grateful for the rigidity. I would not be where I am now if I did not have you as a father and my Mama,” sabi ni Mayor Sara.

Aminado rin si Mayor Sara na namana niya ang ilang prominenteng katangian ng kanyang ama.

“I have your twisted sense of humor and the drive to achieve and these are some of my useful tools as I navigate life. Thank you. Happy Father’s Day!

“Thank you for being who you are because I am who I am and where I am now and I have all these values because of you and my mommy. Happy Father’s Day!” sabi pa ni Sara.

Bukod kay Mayor Sara, anak din ni Duterte sa dating asawang si Elizabeth Zimmerman sina dating Davao City Vice Mayor Paolo, at Sebastian. May teenager din siyang anak, si Veronica, sa common-law wife niyang si Honeylet Avanceña.