Patay ang isang delegado ng Hugpong Federal Movement of the Philippines, Cagayan Chapter matapos masagasaan sa Barangay No. 10 Estancia, Pasuquin, Ilocos Norte, nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ng Pasuquin Police ang namatay na si Aida Corpuz, nasa hustong gulang, ng Bgy. Masikal, Amulong, Cagayan.

Tumatawid ang biktima nang mabangga ng Hyundai Starex Van, na minamaneho ni Benjamin Apay, Jr., 38, ng Bgy. Agaman Baggao, Cagayan nitong Biyernes, dakong 7:05 ng gabi.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Liezle Basa Iñigo)
Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito