SUPORTADO ni Miley Cyrus si Selena Gomez.
Matapos magkomento ng designer na si Stefano Gabbana, ang one-half ng legendary Italian fashion brand na Dolce & Gabbana, sa Instagram post kamakailan ng The Catwalk Italia na nagtatampok kay Selena ng “è proprio brutta”—na ang ibig sabihin ay “She’s so ugly”—kaagad na dumepensa si Miley para kay Selena. Nakipag-away din si Miley kay Stefano sa social media noong Hunyo 2017 dahil sa kanilang “politics.”
Nagkomento si Miley sa fan site na Miley Follows’ Instagram account, na nagpaskil ng throwback photo ng dalawang dating Disney stars habang magkasama.
“Well what that di*k head said (if it’s true) is f**king false and total bull sh*t,” isinulat ni Miley. “She’s fine as f**k.”
Hindi lamang si Miley ang celebrity na nagtanggol kay Selena. Nagkomento rin ang 13 Reasons Why star na si Tommy Dorfman na, “You’re tired and over, your homophobic, misogynistic, body-shaming existence will not thrive in 2018. It is no longer tolerable or chic. Please take many seats.”
Tinawag din ni Jaime King si Stefano na “ugly human who cannot handle the beauty of S that radiates from her Soul and her physical being. #boycottdolceandgabbana.”
Samantala, ‘tila hindi naman apektado si Stefano sa pagdedepensa ng mga fans ni Selena at pagbaha ng mga komento laban sa kanya sa social media nitong Martes. Ipinaskil ng 55-year-old designer sa IG ang ilang negative messages na kanyang natanggap kabilang ang isang nagsasabing, “CANCER is coming for you.”
“Hey haters!!! Compliment to you and many other!!! ❤️ you,” isinulat niya.
Kinutya rin niya ang fans sa kanyang IG Stories, nagpaskil ng laughing emojis sa maraming komento.
Noong Hunyo 2017 ay tinawagan ni Miley ng pansin ang Dolce & Gabbana sa Instagram, kahit na ang 24-year-old na kapatid niyang lalaki na si Braison, ay nag-runway debut sa Dolce & Gabbana. “PS D&G, I STRONGLY disagree with your politics.... but I do support your company’s effort to celebrate young artists & give them the platform to shine their light for all to see!” isinulat niya.
Hindi malinaw kung anong particular politics ang kanyang tinutukoy, ngunit nitong mga nakalipas na taon ay tinanggap ng Italian label ang papel nito sa pagdadamit kay US First Lady Melania Trump at binaha ng batikos sa kanilang infamous 2015 comments na tumutuligsa sa gay parenting at mga bata na isinilang sa pamamagitan ng vitro fertilization – na kalaunan ay inihingi nila ng paumanhin.
Bumuwelta si Stefano kay Miley sa sarili nitong post, na isinulat sa Italian at English.
“We are Italian and we don’t care about politics and mostly neither about the American one!” isinulat niya. “We make dresses and if you think about doing politics with a post it’s simply ignorant. We don’t need your posts or comments so next time please ignore us!! #boycottdolcegabbana,” idinagdag niya, kasama ang ilang crying laughing emojis sa dulo.