NAKAUNGOS si Fide Master Mari Joseph Turqueza kontra International Master Richelieu Salcedo III para makopo ang solong liderato matapos ang Round 5 ng 2018 National Chess Championship ‘Trip To Batumi’ Grand Finals nitong Martes sa Activity Hall ng Alphaland Makati Place sa Makati City.

Tangan ang puting piyesa, nakakuha ng sapat na bentahe ang dating San Beda mainstay para talunin si Salcedo sa 28 moves ng Queen’s Indian defense.

Dahil sa panalo, nakopo ni Turqueza ang unahang puwesto na may 4.5 puntos, kalahating puntos ang angat kay International Master Jan Emmanuel Garcia.

“Still a long way to go and I hope i can sustain my momentum going to the crucial round,” sambit ni Turqueza na namayani muna kay Singapore based Fide Master Roberto Suelo Jr. sa Round 4 sa 55 moves ng London System Opening.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Si Garcia na bahagi ng coaching staff ng Ateneo de Manila University chess team ay nakipaghatian ng puntos kay defending champion International Master Haridas Pascua sa Round 5 sa 30 moves ng London System Opening.

“I hope to do well in this event,” sabi ni Garcia na dinaig si International Master Chito Garma sa Round 4 sa 40 moves ng Queen’s Indian defense.

Matapos matalo kay International Master Paulo Bersamina sa Round 4 sa 41 moves ng Caro-kann defense,nakabalik sa kontensiyon si 13-time Philippine Open champion Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio Jr. ng ungusan si Suelo sa 20 moves ng Sicilian Alapin tungo sa total 3.5 puntos para sa solo third place.

Naitala naman ni Bersamina ang ika-2 sunod na panalo ng talunin si Jeth Romy Morado sa 53 moves ng Nimzo-indian defense para manguna sa grupo na may 3.0 puntos kasama sina Pascua at Grandmaster John Paul Gomez.

Kinaldag ni Gomez si Jonathan Maca Jota sa Round 4 sa 34 moves ng Sicilian defense at tabla kay Garma sa Round 5 sa 30 moves ng French defense.

Sa distaff side, binigo ni Woman International Master Marie Antoinette San Diego si Woman Fide Master Michelle Yaon sa Round 3 sa 58 moves ng Sicilian defense at tabla Woman Fide Master Allaney Jia Doroy sa Round 4 sa 55 moves ng English Opening tungo sa two-way tie sa first place kasama si Woman Fide Master Shania Mae Mendoza.