CALAPAN CITY, Oriental Mindoro – Isang habal-habal driver ang napatay sa pagsalakay ng awtoridad sa isang hinihinalang drug den sa Puerto Galera, na naging sanhi rin ng pag-aresto sa isang dayuhan at tatlong iba pa nitong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ni Senior Superintendent Christopher C. Birung, provincial director ng Oriental Mindoro Police Provincial Office (PPO), ang napatay na si Ildefonso M. Nanola, 22, habang inaresto ang dayuhan na si Stefan Reinli, 49, Swiss, at tatlo nitong kasabwat na sina Marilou M. Nanola, 53; at Cherrilyn T. Sarangilo, 30; at John Michael P. Sarangilo, 25, pawang residente ng Sitio Aplaya, Barangay Sinandigan, Puerto Galera.

Sa imbestigasyon, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Team at Puerto Galera DET sa nasabing lugar at nauwi sa engkuwentro.

-Jerry J. Alcayde
Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?