“Na-Tokhang na rin ba si Father?”

Ito ang mga katanungan ni Senador Rissa Hontiveros kaugnay ng pamamaril at pagpatay nitong Linggo sa isang pari sa aktong magmimisa Nueva Ecija, na ikatlo na sa mga pinatay na alagad ng Simbahang Katoliko simula noong Disyembre.

Si Fr. Richmond Nilo, ng Diosese ng Cabanatuan City, ay binaril at napatay bago simulan ang misa sa isang kapilya sa Barangay Maramot, Zaragosa, Nueva Ecija.

Abril 29 naman nang patayin din si Fr. Mark Ventura sa Gattaran, Cagayan, habang Disyembre ng nakalipasn na taon nang paslangin din si Fr. Marcelino Paez sa Jaen, Nueva Ecija.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nitong Hunyo 9, nasugatan si Fr. Rey Urmenta, dating chaplain at ngayon ay nakatalaga sa Archangel Parish sa Calamba City, Laguna makaraang pagbabarilin ng hanggang ngayon ay hindi pa rin kilalang mga suspek.

“Are Catholic priests being ‘tokhanged’? Is there a systematic attempt to kill Catholic priests who are critical of the administration? Tinotokhang na rin ba ang mga pari ng Simbahang Katoliko na naglakas-loob na ipahayag ang kanilang kritikal na boses sa laganap na patayan, katiwalian at pang-aabuso?” sabi ni Hontiveros.

Aniya, ang serye ng pamamaslang sa mga pari ay kasunod ng hayagang pagbatikos ni Pangulong Duterte sa Simbahang Katoliko, na kilalang kritiko ng administrasyon, partikular ng kampanya kontra droga.

PAIIMBESTIGAHAN SA SENADO

“I fear that the President’s verbal attacks as well as the dismissive attitude towards the killings may inspire more priest-murders and other acts of violence on members of religious communities,” dagdag ni Hontiveros.

Hiiniling din ni Hontiveros sa Senate committee on public order na magsagawa ng imbestigasyon, partikular sa kaso ni Fr. Nilo.

MAY MANANAGOT

Tiniyak naman ng Malacañang na papanagutin ang mga nasa likod ng pagpatay sa tatlong pari, kasunod ng panawagan ni Archbishop Socrates Villegas kay Pangulong Duterte na tigilan na ang “verbal persecution” sa Simbahang Katoliko.

“The government and the Philippine National Police (PNP) have mounted investigations into these crimes and have vowed to bring the perpetrators to justice,” sinabi kahapon ni Presidential Spokesperson Harry Roque. “The PNP shall also be working closely with the Church, especially the hierarchy and the clergy, on measures to protect our priests.”

-Leonel M. Abasola at Argyll Cyrus B. Geducos