BINIGYANG-PUGAY ng U2 frontman na si Bono ang yumaong celebrity chef na si Anthony Bourdain sa pagtatapos ng special performance ng kanyang banda nitong Lunes, sa Apollo Theater sa Harlem.

Larry Mullen Jr,The Edge,Bono,Adam Clayton

Ipinahayag ni Bono ang pagkawala ng “lot of inspiring, useful people” sa nakalipas na ilang taon, “who gave up on their own life” na ang tinutukoy ang pagpapakamatay ng kapwa musician na sina Chris Cornell at Chester Bennington, gayundin ng fashion designer na si Kate Spade.

“And now this great storyteller, who I’m sure has stories he couldn’t tell us. So for Anthony Bourdain, and his friends and family this is a song inspired by a great, great, great friend of ours. His name is Michael Hutchence,” lahad ni Bono bago ang paglulunsad ng impassioned version ng Stuck in a Moment You Can’t Get Out Of.

Tsika at Intriga

Maris Racal umamin na bakit may twinning shoes sila ni Anthony Jennings

Ang Grammy-winning song tungkol sa suicide ay isinulat ng banda makaraang matagpuang walang buhay ang INXS singer na si Michael Hutchence noong 1997, at lumalabas na ito ay pagpapatiwakal.

Wala na ring buhay nang natagpuan si Anthony, 61, dahil sa pagpapatiwakal, nitong nakaraang linggo sa France.

As for the performance, nagpahinga muna ang banda sa kanilang Experience and Innocence arena tour para tumugtog sa special one-night show sa legendary theater para sa Sirius XM subscribers. Star-studded ang guest list ng invite-only, kabilang ang tennis legend na si John McEnroe, ang rocker na si Jon Bon Jovi, ang E-Street band guitarist na si Little Steven Van Zandt, at ang New England Patriots owner na si Robert Kraft.

-Manila Bulletin Entertainment