April 10, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Educational crisis? DepEd, kinalampag dahil sa player na 'di natukoy ang larawan ng Malacañang

Educational crisis? DepEd, kinalampag dahil sa player na 'di natukoy ang larawan ng Malacañang
Photo courtesy: MB File Photo/Screenshots from Kapamilya Online Live

Nag-trending sa X ang Department of Education (DepEd) matapos mawindang ang mga netizen sa isang senaryo sa segment na "Laro Laro Pick" ng noontime show na "It's Showtime," dahil hindi nasagot at natukoy ng player ang ipinakitang larawan ng Malacañang Palace, nitong Huwebes, Marso 12.

Photo courtesy: Screenshot from X

Pabirong napagsabihan pa ni It's Showtime host Vice Ganda ang nabanggit na player na nagngangalang "Rein."

Bilang bahagi ng elimination round, ipinakita sa mga player ang larawan ng ilang mga lugar, kabilang na ang makasaysayang Malacañang Palace.

Subalit tila nahirapan ang player nang ipakita sa kaniya ang pinahuhulaang larawan. Halata sa mukha niyang hindi niya matukoy ang pangalan nito.

Tsika at Intriga

Sey mo Dominic? Selfie nina Rico, Sue minalisya!

"Hindi mo nakikita 'yang larawan na 'yan?" tanong ni Vice Ganda.

"Diyan namamalagi ang Pangulo," dagdag pa. "Saan namamalagi ang Pangulo?"

"Munisipyo?" natatawang sagot ng contestant.

Napahawak naman si Vice Ganda sa kaniyang lalamunan.

"Saan ginaganap 'yong mga ano, mga papiging ng Pangulo, mga ganap niya, 'yong presscon niya, saan sila nagmi-meeting?" sundot na tanong pa ni Meme.

Nagbigay naman ng clue ang co-host na si Jhong Hilario sa contestant para masambit niya ang tamang sagot.

"Mala... Mala..." sey ni Jhong.

Pero ang sinagot ng contestant ay "Malabon" hanggang sa matawa na lang siya sa sarili niya, gayundin ang madlang people audience.

Mahahalata naman sa mukha ni Vice Ganda ang tila pagkadismaya sa nabanggit na contestant.

"Naku natatawa ka pa ha, noong Martial Law, noong EDSA People Power nilusob 'yan ng mga Pilipino, 'di ba?" mahinahong paliwanag ni Vice Ganda.

"At saka nasa pera 'yan. 'Yan ay?" muling tanong ni Vice Ganda.

"Malacañang," nakangiting sagot ng contestant.

"Hayun, Malacañang, Rein. Okay? Malacañang 'yan ha? Huwag puro blush on saka highlighter sa TikTok ha?" hirit pa ni Vice Ganda.Maki

Maki-Balita: Vice Ganda sa player na 'di natukoy ang Malacañang: 'Huwag puro blush on saka highlighter sa TikTok ha?'

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Umabsent siguro to sa classe mimi vice hahaha"

"sad reality huhu"

"naku may bago na namang bunot ang social media sa lalaitin"

"Jusme, Gen Z ba 'to?"

"nakakaloka... kahit sino dapat alam yan, very basic na nga lang!"

Ibinahagi naman ni Vice Ganda ang clip nito sa mismong verified Facebook account niya.

"Malacañan po yes oki? oki," mababasa sa caption.

Maging ang kilalang social media personality na si Macoy Dubs ay napakomento rin tungkol dito.

Aniya, "Mga sis ito po ang Malacañan Palace. Tinayo iterlz noong 1750. To make it simple, yes dito po namamalagi ang Pangulo ng Pilipinas. Hindi po ito munisipyo. Education crisis malaley."

Maki-Balita: ‘Education crisis malaley!’ Macoy Dubs, dismayado rin sa naging sagot ng Laro Laro Pick player

Samantala, nanawagan naman sa DepEd ang mga netizen na mas paigtingin pa sana ang Araling Panlipunan at iba pang mga kaugnay na asignatura upang hindi makalimutan ng kabataan ang mga bagauy na may kinalaman sa kasaysayan.

"Hindi na ba ito tinuturo sa primary school? Hello @DepEd_PH malala na ang educational crisis ng Pilipinas."

"halos mainis nga ako sa contestants kanina sa #ItsShowtime. maraming hindi alam ang isasagot. basic lang lahat. nalimutan na? priority ba nila ang edukasyon?"

"yearly ba naman baguhin nang baguhin yun curriculum paano di magkakaeducational crisis. as a former DepEd teacher, laging dagdag bawas yun teaching hours sa mga subject ng AP, minsan gusto pa ihalo sa MAPEH. Laro ang DepEd!"

"Puro kasi social media ang inaatupag ngayon ng mga kabataan. (I.e dance craze, TikTok, reels etc. nonsense) Hindi rin nakakatulong na wala na ngayong educational programs. (Matanglawin, Sineskwela)."

"landi alam, aral ayaw? napaka basic lang naman ng tanong hindi kailangan na matalino ka para masagot. haysss wala na talaga future pilipinas."

"Lalo na ngayon, tinapyasan pa nila ang mga aaralin sa Senior High School. Jusko naman, napaka-basic na nga niyan!"

Maki-Balita: Nasermunan tuloy ni Vice Ganda! Laro Laro Pick player sa It's Showtime, hindi alam ang Malacañang

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang DepEd tungkol dito.