Isang batang sundalo ang napatay sa pakikipagbakbakan sa ISIS-inspired terrorist group sa Maguindanao nitong Lunes, Hunyo 11.

Kinilala ang nasawi na si Pfc Garry Quitor, 27, ng Pigcawayan, North Cotabato.

Si Quitor ay parte ng Alpha Company, 33rd Infantry Battalion na pinamumunuan ni1st Lt. Alessandro Cruzada na tumugis sa maliit na grupo ng terorista (Bangsamoro Islamic Freedom Fighters) sa Maguindanao.

Ayon kay Lt Col. Harold M Cabunoc, commanding officer ng 33rd Infantry (Makabayan) Battalion, namatay si Quitor na bayani.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“He volunteered as the point man of the patrol despite the high risks involved in the operations. His bravery will be emulated by the rest of my troops,” ani Cabunoc.

Tinutugis ng Army at ng PNP ang mga kalaban sa lugar na iniulat na kuta ng mga terorista.

Ayon sa military informants, patuloy na nakulong sa lugar si Salahuddin Hassan, alyas Orak, at ang ilang foreign jihadists matapos masira ang kanilang bangka sa air strikes at bombahan kahapon.

Patuloy na tinutugis ng mga sundalo ang mga sugatang terorista.

“We hit him dead on because his gun malfunctioned as he attempted to shoot another soldier. We spotted stains of blood on the water lilies,” ayon kay 2nd Lt. Dennis Gamos na namuno sa tracking patrol.

-Francis T. Wakefield at Fer Taboy