LALARGA bukas ang ikalawang leg ng Philippine Sports Commission (PSC)- Indigenous Peoples Games (IPG) sa Lake Sebu Municipal Gym sa Lake Sebu, South Cotabato.

Kabuuang 300 kalahok mula sa 10 local government units (LGUs) ang inaasahang makikiisa sa IP Games na itinataguyod ng Philippine Sport Commission (PSC), sa pangangasiwa ni Commissioner Charles Raymond A. Maxey.

Handa na umano ang grupo ni Maxey para sa bigyan ng pagkakataon ang mga tribu ng Mindanao na mabigyan ng pagkakataon na maipakita ang kanilang katutubong laro.

“We’re all set for the second leg of our IP Games. We’ve already conducted series of meetings and at inspected the venues, billeting areas in Lake Sebu,” pahayag ni Maxey.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ayon sa kanya, inimbitahan niya si Senator Manny Pacquiao na kasalukuyang nasa General Santos City at nag-eensayo bilang paghahanda sa kanyang nalalapit na laban sa Hulyo, upang pasinayaan ang nasabing palaro para sa mga Indigenous Peoples.

Kabilang sa mga Tribu na lalahok sa nasabing leg ay ang tribu ng T’boli na nakatakdang magpakitang gilas sa pamamagitan ng pag awit sa Opening Ceremonies.

“I am excited for this second leg as it will reintroduce IP’s traditional sports to the younger generation,” ayon Maxey.

Matatandaan na ang unang leg ay ginanap noong Abril sa Tagum, Davao del Norte na dinaluhan din ng iba’t ibang Tribu sa nasabing lugar na naging matagumpay.

ng mga laro na ipapakita sa nasabing labanan bukas ay hemanak, hanaw o kadang, sedeyol be klifak bliboy, setanggung o lechon race, sudul, meyon kuda law, at defut.

-Annie Abad