“DRUG-CLEARED” na ang buong Pangasinan, idineklara ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon kay Villasis Police Station chief Police Senior Inspector Brendon Palisoc, wala nang bentahan ng ilegal na droga sa 21 barangay sa Pangasinan.

“All the barangays were then affected by illegal drugs, considering the town’s geographical location, as a link between Urdaneta City and Rosales town,” pahayag ni Palisoc sa isang panayam nitong Lunes.

Idinedeklarang “drug-cleared” ang isang munisipalidad kung 100 porsiyento ng mga barangay nito ang “drug-free,” may nakalaang estratehiya sa lugar upang maiwasan ang muling pagpasok ng ilegal na droga at ipinapatupad ang mga programang may kinalaman sa paglaban sa ilegal na droga.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Ibinahagi rin ni Palisoc na nakapagtapos na ang 744 na drug surrenderees ng kanilang community-based rehabilitation, na pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng Villasis sa pamamagitan ng programang Aksyon Barangay-Konseho Laban sa Droga (ABKD).

“The surrenderees have joined sports competition, such as basketball leagues, and planted vegetables in their respective communities, while religious groups have also supported by involving them to their worship services; they were reminded about or inculcated in them Godliness,” dagdag pa niya.

Aniya, patuloy na tututukan ng kanilang hanay ang mga komunidad na idineklarang drug-free sa pamamagitan ng mga opisyal ng barangay.

Kaugnay nito, hinikayat ni Palisoc ang mga residente na iulat sa pulisya ang mga indibidwal na bagong nasasangkot sa ilegal na droga sa kanilang lugar.

“We ask for their cooperation in order to maintain the town’s status as drug-cleared,” pakiusap ni Palisoc.

PNA