NAGSIMULA nang mag-taping ang actress-director na si Gina Alajar, at sa story conference pa lang ay masaya na ang lahat nang ipakilala na ang bubuo sa cast: sina Ms. Nora Aunor, Gardo Versoza, ang nagbabalik-Kapuso na si Wendell Ramos, sina Luis Alandy, Vaness del Moral, Enrico Cuenca, Kate Valdez, Mikee Quintos, at ang bida ng dramaserye, ang midget na si Jo Berry, at si Ms. Cherie Gil.

Howie at Jo Berry copy

Sa cast pa lang ay alam nang matinding dramahan ang serye, na may katatawanan din. Lalo pa at sinabi ni Jo Berry sa teaser: “Mataas pa sa akin ang lalagyan ng sorbetes.”

Sa kabila ng kanyang height, kayang-kayang dalhin ni Jo ang pinasok niyang trabaho. Iginawa nga siya ni Howie Severino, ng GMA News & Public Affairs, ng isang documentary tungkol sa kanyang pamilya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nag-post si Jo Berry sa kanyang Instagram wall (@tinyhedwig) ng pasasalamat kay Howie: “Bata pa lang ako, nakagisnan ko na siya lagi yung pinapanood ni Kuya Jay at lagi siyang kinukuwento ni Papa kase magkaibigan sila. Simula non pag nababanggit yung GMA sya yung naiisip ko tapos first time ko sya na-meet nung grade 5 ako nung ginawan niya ng documentary yung family namin.

“So everytime na pupunta ako ng GMA nilu-look forward ko na makikita ko sya dun and ito nga nangyari kahapon during our plug shoot ng ‘Onanay’ dumaan siya, todo kaway talaga ko, sobrang saya ko na nilapitan nya pa ako, kinausap at nagpapicture kami sa phone niya. Sinabihan nya din ako na i-tag ko siya pag nagpost ako. Ito na tito @howiesev thank you po. It was nice to see you!”

Sa ngayon, wala pa kaming detalye tungkol kay Jo, pero makikilala natin siya nang lubos kapag ipinakilala na siya sa press conference ng GMA 7 para sa nasabing family drama, na tiyak na magpapaluha at magpapatawa rin sa mga manonood. Mapapanood ito sa GMA Telebabad, very soon.

-Nora V. Calderon