Arestado ang isang lalaki matapos umanong bumatak ng ilegal na droga sa loob ng palikuran ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA)- Terminal 3 nitong Linggo.

Inaresto ng mga operatiba ng PNP Aviation Security group ang suspek na si Vincent Apion Pascual, nasa hustong gulang, ng 15th Street corner 2nd St., Villamor Airbase sa Pasay City.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Dennis Ragma, nagsumbong ang isang janitor sa awtoridad, dakong 9:20 ng gabi. Napansin umano ng janitor na nagkulong ang suspek sa isang cubicle at nang lumabas ay may itinapon sa basurahan. Agad itong sinilip ng janitor at nakita ang aluminum foil at isang pekete na may bahid ng umano’y shabu.

Inihahanda na ang kaso laban kay Pascual.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

-Ariel Fernandez