Mga Laro sa Huwebes

(Ynares Sports Arena)

1:00 n.h. -- AMA Online Education vs Chelu Bar and Grill

3:00 m.h. -- CEU vs Go for Gold

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

BINIGO ng Chelu Bar and Grill ang hangad ng Marinerong Pilipino na sumalo sa maagang pamumuno sa Go for Gold matapos gapiin ang Skippers, 88-71, kahapon sa pagpapatuloy ng 2018 PBA D League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Mula sa paghahabol sa unang dalawang quarters na nagtapos na naiiwan sila ng limang puntos, 38-43, humabol ang Revellers sa third period at na-outscore ang Skippers,20-14 upang agawin ang pangingibabaw ,58-57.

Nanguna ang mga beteranong sina Jessie Collado, Jeff Viernes at Jay-R Taganas na nagsipagtala ng double digit para sa kanilang ikalawang sunod na panalo.

Nagposte si Collado ng game high 20 puntos, 14 puntos si Viernes at 12 puntos naman si Taganas kasunod si Chris Bitoon na may 11 puntos para sa Revellers.

Dahil sa panalo, umangat ang Chelu Bar and Grill sa patas na markang 1-1, kasalo ng kanilang biktima.

Namuno naman sa Skippers si Rob Manalang na umiskor ng 18 puntos.

-Marivic Awitan