IN fairness kay Ara Mina, open pa rin ang kanyang Instagram, kahit na may malaking isyu sa kanya ngayon sa Facebook.

Ara Mina

Pansin din namin, wala pang sumusugod sa Instagram ni Ara para awayin, i-judge, o siraan siya.

Sabagay, wala rin namang binanggit na pangalan si Rina Navarro kung sino ang tinukoy niya sa post niya sa FB tungkol sa ex-fiancé niyang government official na umano’y may affair sa isang aktres.

Pelikula

'Isang Himala,' nilusaw sa 9 na sinehan

Mahaba ang post ni Rina, pero very careful siya not to mention kung sino ang nag-betray sa kanya na inilarawan niyang “a person you consider your friend & treated like a sister”.

Ang Facebook users na nakabasa sa nasabing post ang nagpangalan kay Ara bilang third party kay Rina at sa fiancé nitong government official, na hindi rin pinangalanan.

Bagong isyu na naman ito kay Ara na sana ay malusutan niya.

Mabait na tao si Ara, she deserves someone na kanya lang at hindi pagmamay-ari ng iba para hindi siya napupulaan at inuulan ng masasakit na salita. Kaya lang, nagsalita na si Rina and any day now, mababanggit na rin ang pangalan ng government official na dahilan ng muling pagkakasangkot ni Ara sa kontrobersiya sa larangan ng pag-ibig.

-Nitz Miralles