Sa follow-up operation ng Pasay City Police, nadakip ang isa sa tatlong suspek sa pananaksak sa isang binata nitong Sabado.

Nasa kustodiya ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ang suspek na si Oel, 17, ng Sitio Mongolian ll, Barangay Merville, Parañaque City, na itinuro ng mga saksi sa insidente.

Kaugnay nito, patuloy na tinutugis ang dalawa nitong kasabwat na sina Aljohn Altichea at Mar Condez, kapwa nasa hustong gulang, ng Sitio Mongolian ll, Bgy. Merville.

Samantala, nagpapagaling sa ospital si Jerecho Chines, 18, ng Sopatashai, Bgy. 201, Zone 20, Pasay City.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Base sa ulat, naganap ang pananaksak sa Merville Access Road, Bgy. 201 sa Pasay City, dakong 3:45 ng madaling araw.

Patuloy na inaalam ang motibo sa insidente.

-Bella Gamotea