IPINAGTAPAT ni Kris Aquino sa panayam niya with Nanay Cristy Fermin sa Radyo Singko 92.3’s Cristy Ferminute kamakailan na hindi siya kasama sa pamamanahan ng yumaong ina na si dating Pangulong Cory Aquino.

“I was never part of the inheritance.” Pagtatapat ni Kris.Ayon sa Queen of All Media, hindi siya nagtatampo dahil mas pinili ni President Cory na sa apo niyang Joshua ibigay ang pamana.

“Nasa tiyan ko pa lang pinag-aagawan na si Bimb para sa mga commercials and masakit ‘yun sa mom ko na this child is getting everything and kuya Josh, because of his condition, because of his autism, hindi maasahan kung ano ang mangyayari.

So that time pa lang sinabi ng mom ko, ‘Because you have money of your own, the money that you should expect from me nakapangalan kay Josh.’ And hindi ako ang namamahala don that is under my ate’s care.” Sabi ni Kris.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Dagdag pa niya, “Because come what may, sinigurado ng mom ko hindi maa-agrabyado si kuya and because nag-sorry kaming dalawa sa isa’t isa about that and she said I was also wrong because I punished the child.

And ‘Nay (Cristy), alam mo ‘yun, favorite niya si Josh, ‘yun kasi di ba ‘yung pinaka-weak, ‘yun talaga pinakamamahalin mo.”

-ADOR SALUTA