Terence Crawford, left, and Jeff Horn, of Australia, pose during a weigh-in Friday, June 8, 2018, in Las Vegas. The two are scheduled to fight in a WBO welterweight title bout Saturday in Las Vegas. (AP Photo/John Locher)

LAS VEGAS (AP) — Walang dapat ipangamba sa pagtaas ng weight division ni Terence Crawford. Hindi naman isyu para kay Jeff Horn ang paglaban sa unang pagkakataon sa labas ng Down Under.

Kapwa kumpiyansa ang dalawang walang talong fighters para sa kanilang pagtututos nitong Sabado (Linggo sa Manila) para sa ikalawang pagdepensa ni Horn sa titulong nakuha niya kay Pinoy eight-division world champion Manny Pacquiao sa kontrobersyal na unanimous decision may isang taon na ang nakalipas.

Kasaysayan din ang laban sa aspeto ng broadcasting dahil ito ang unang pagkakataon na mapapanood ang boxing title fight sa pinakabagong ESPN app na nagkakahalaga ng US$4.99 kada buwan.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“It’s the future, get used to it,” pahayag ni promoter Bob Arum. “Jeff Horn and Terence Crawford will go down in history for the fight that pioneered this changeover in direction to consumer sports entertainment.”

Napukaw ni Horn ang pansin ng boxing world nang manalo kay Pacquiao sa kauna-unahang laban sa prime time sa US television. Tumabo sa 4.4 milyon ang bumili sa ESPN cable views.

“It wasn’t that hard,” sambit ni Horn.”The money was right and it was the right time for this fight. We were always thinking we’d go to America anyway and have a fight, so why not now?”

Tangan ni Crowford (32-0, 23 knockouts) ang 7-1 bentahe sa kanilang 12-round fight.

“He’s nothing that I haven’t faced before in the ring,” pahayag ni Crawford. “We have to focus on him coming in with his head and using his elbows. Other than that, it’s just another fight.”

Unang naitakda ang duwelo nitong April 14, ngunit umatras ang kampo ni Crawford matapos mapinsala ang kamay sa ensayo. Halos isang taon nang hindi lumalaban si Crawford at ang pagbabalik aksiyon niya ay sa 147 imbes sa regular na 140 lbs.

Hawak ni Horn ang 18-0-1 karta, tampok ang 12 knockouts at galing sa matagumpay na pagdepensa laban kay Gary Corcoran nitong Disyembre sa Brisbane.