Isang lalaking umano’y holdaper ang napatay nang manlaban umano sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD) matapos looban ang isang meat shop sa Sampaloc, Maynila, nitong Biyernes ng gabi.

Hindi pa rin nakikilala ng pulisya ang suspek na nasawi dahil sa mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ipinahayag ni Barangay 470 Chairman Harry Nagal na nilooban umano ng suspek ang outlet ng Pampanga’s Best sa panulukan ng Dapitan at Alfredo Streets sa Sampaloc, dakong 8:45 ng gabi.

Matapos ang panghoholdap, tumakas ang suspek ngunit mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng MPD, na nagkataong nagpapatrulya malapit lamang sa lugar.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kuhang-kuha pa ng closed-circuit television (CCTV) camera ang pagtakas ng holdaper sa Dapitan St., habang siya ay hinahabol ng mga rumespondeng pulis.

Nang makorner, tinangkang arestuhin ng mga pulis ang suspek ngunit pinaputukan umano sila nito hanggang sa magkaroon pa ng habulan sa nabanggit na lugar, at napatay ang suspek.

-Mary Ann Santiago