NAKASALUBONG namin si Sofia Andres sa valet parking ng ELJ Building nitong Martes ng hapon, at kinumusta namin siya dahil sumasailalim siya ngayon sa therapy dahil sa anxiety attack.

Sofia

“Okay naman po ako ngayon, tita,” matipid na sagot ng dalaga sa amin.

Ang anxiety attack ay nakakaramdam ng takot at discomfort ang isang tao, na nagiging dahilan ng palpitations, pounding heart, o accelerated heart rate, sweating, trembling or shaking, sensations of shortness of breath or smothering.

Karina Bautista, PH navy reservist na

Kaya inalam namin kay Sofia kung bakit siya nagkaroon ng anxiety attack.

“I don’t know, tita. Gusto ko lang pong manahimik muna,” sabi sa amin.

Tinanong namin kung anong projects niya ngayon, o pinagkakaabalahan.

“As of now tita, I can’t work pa. Maybe next month, I’m ready na,” nakangiting sagot ng aktres.

-Reggee Bonoan