NA-INSPIRE yata talaga si Solenn Heussaff sa role niya bilang mommy ni Marcus Cabais sa blockbuster movie nila ni Paolo Ballesteros na My 2 Mommies, ng Regal Films directed by Eric Quizon. Ngayon kasi ay ready na raw siyang magkaroon ng baby.

Solenn

Dati, kapag tinatanong si Solenn kung kailan sila magkaka-baby ng mister niyang si Nico Bolzico ay lagi niyang sinasabi na hindi pa siya ready. Siguro raw next year pa nila pag-uusapan ng asawa ang tungkol dito.

Pero ngayon nga, after maipalabas ang kanilang movie, sinabi ni Solenn na pinag-uusapan na nila ni Nico ang pagkakaroon ng baby.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Kaya lilipat na kami ng bahay para may space na,” sabi ni Solenn. “Kailangan ko ng place din para sa pagpi-paint ko, place para sa mga dogs ko, place para kay Nico.”

Sa ngayon ay isang condominium unit sila nakatira ni Nico.

After ng guesting niya sa The One That Got Away ay mga movies muna ang pinagkaabalahan ni Solenn. After ng My 2 Mommies ay ginawa niya ang Misterio De La Noche, na naiiba sa mga nauna na niyang pelikula. Kasama niya sa movies ang kapwa mahuhusay na aktres na sina Ms. Elizabeth Oropesa at Ms. Gina Alajar.

“Wala pa akong new teleserye sa GMA 7, pero may cameo role ako sa Inday Will Always Love You ni Barbie Forteza. ‘Di ko sasabihin kung ano ang role ko, pero ang pag-iinteresan ko rito si Paeng, si Buboy Villar,” kuwento ni Solenn.

Aba, sosyal naman nitong si Buboy! Noong isang gabi ay si Sanya Lopez, na may guest role rin sa romantic-comedy series, ang tinanggihan niya sa isang eksena. Ang love raw kasi ni Buboy ay si Inday Happylou (Barbie) lang talaga. Hindi kaya pag-awayan pa siya nina Solennn at Sanya?

Bukod dito, pinaghahandaan din ni Solenn ang exhibit ng kanyang mga paintings, at isa rito ang naka-post sa Instagram niya na may #Kalsada.

“Still one of my aves. My Lolo Pedro and bits and pieces of the Philippines. #Kalsada #Solenn Art. Can’t wait to share the theme for my next exhibit. I finally have it,” post ni Solenn.

Isa pang post niya: “When your mom is your inspo :) #Bayanihan #SolennArt,” na makikita ang painting ng dalawang babaeng umiindak sa Muslim dance.

Pawang paghanga naman ang comments ng mga kasama niya sa showbiz, like Paolo Ballesteros na isa ring painter, gayundin sina Direk Mark Reyes at Iza Calzado. Tiyak na marami na ring naghihintay sa susunod na painting exhibit ni Solenn

-NORA V. CALDERON