MAASIN CITY – Nagsidatingan na sina Prince” Albert Pagara, Jason “El Niño” Pagara, Jeo “Santino” Santisima at head trainer Edito Villamor dito para sa maagang paghahanda para sa nalalapit na laban sa Pinoy Pride.

Kasama rin nila ang grupo ni Fil-Japanese boxer Go Hosaka sa Weesam fastcraft.

Nakatakda silang bumisita sa local radio Station DYDM-AM at DYAS-FM para sa promosyon ng laban. Magkakaroon naman ng motorcarde kinahapunan ng Martes.

Lilibot ang motorcade hanggang Barangay Lib-og, ang bayan kung saan ipinanganak at lumaki ang magkapatid na Pagara.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nakatakda rin ang public work-out sa Anatalio Gaviola Plaza. Nakatakda namanf dumatin ngayon ang fighter na sina African Laryea Gabriel Odoi at Indonesian Wellem Reyk via Tacloban airport.

Sunod naman sina Thai boxer Likit Chane.

Nakatakda ang pressconferebce sa Huwebes sa

Ampil Function Hall.

At sa Biyernes ang official weigh-in sa Metro Hiper, City Terminal.

Nakatakda ang Pinoy Pride 44 Fight Night sa Sabado sa Maasin City Gym.