Tatlong tama ng bala ang tumapos sa buhay ng isang meat dealer nang pagbabarilin ito ng hindi nakilalang armadong lalaki sa Barangay Commonwealth, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Chief Insp. Elmer Monsalve, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), ang biktima na si Jerry Ibanez Catalan, 52, meat dealer, ng No. 134 Pampanga St., Bgy. Commonwealth.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Ronnie Ereno, ng CIDU-QCPD, ang pamamaril ay naganap sa panulukan ng Pampanga at President Quezon Sts.

Sa ng asawa ng biktima na si Marilou Catalan, kagagaling lamang umano ni Catalan sa palengke nang maganap ang insidente.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Aniya, inihahanda niya ang almusal ng asawa nang biglang makarinig ng sunud-sunod ng putok ng baril.

Nang lumabas ng bahay, nakita na lamang nitong nakabulagta na ang biktima.

-Jun Fabon