BAGUIO CITY -- Siniguro ng pambato ng Bulan, Sorsogon na si Jhunmil Cuban ang kanyang panalo sa Philippine Sports Commission (PSC) - Pacquiao Boxing Cup Luzon Finals kamakalawa na ginanap Malcolm Square Park dito.

Pinataob ni Guban ang pride ng Binan City na si Jovanie Boyones Jr., sa Boys Light Flyweight (48 kg) sa pamamagitan ng unanimous decision upang maka siguro ng slot para sa National Finals.

“Naging agresibo na lang siya sabi ko asintahin yung kalaban. Mabuti po nasunod niya yung tempo niya kaya nakasilat po ng panalo,” ayon sa coach ni Guban na si Felix Gaspi.

Kuwento ni Gaspi. Hindi pa umano nakaranas ng pagkatalo si Guban sa kanyang mga laban buhat noong nakuha niya ito walong taon na ang nakaraan.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Nagmula sa mahirap na pamilya ang 16-anyos na si Guban at Hindi makapag-aral sanhi ng kahirapan ngunit nangangarap na magingkatulad ni Senator Manny Pacquiao.

“Pangarap ko po maiahon sa hirap ang pamilya ko at marating ang narating po ni Sen. Manny Pacquiao,” pahayag ni Guban.

Sa iba pang resulta sa Jr. Girls Light Flyweight (48kg) nanaig ang lakas ni Jezzalyn Augusto ng CamSur konra Kay Angela Acebuche ng Mandaluyong City matapos niyang magwagi sa pamamagitan ng unanimous decision.

Pasok din sa National Finals si Darwin Boyones ng Binan City ng manalo ito Kay Eddue Mapusao ng CamSur sa Youth Boys Light Flyweight (46-49kg) division.

Gayunman, inamin ni PSC Sports Coordinator Annie Ruiz na wala pang siguradong venue at petsa ang National Finals gayung patuloy pa silang nakikipag ugnayan sa mga prospect na Local Government Units (LGUs).

“We are still coordinating with some LGUs na posibleng mag host ng finals. Pero to be announced pa pati yung date,” pahayag ni Ruiz.

-Annie Abad