SFAX, Tunisia (AFP) – Mahigit 50 migrants ang pinaniniwalaang nalunod sa Mediterranean nitong Linggo, karamihan ay sa baybayin ng Tunisia at Turkey, habang minarkahan ng Italy ang pagbabago sa polisiya nito.

Sinabi ng Tunisian authorities na 48 bangkay ang natagpuan sa katimugang baybayin ng bansa, malapit sa lungsod ng Sfax, habang 68 katao ang nasagip.

‘’The boat had a maximum capacity of 75 to 90 people, but there were more than 180 of us,’’ sinabi ni Wael Ferjani, Tunisian survivor mula sa katimugang rehiyon ng Gabes.

Pinasok ng tubig ang bangka, at nagtulunan ang ilang pasahero sa dagat at nalunod, aniya sa AFP.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina