Pinosasan ang tatlong lalaki habang tinutugis ang dalawang kasabwat ng mga ito sa panlalasing at panggagahasa umano sa isang dalagita at molestiyahin ang isa pang menor de edad sa Sampaloc, Maynila, nitong nakalipas na buwan.

Kinilala ang mga inaresto na sina Franz Angelo Dizon, 24; Jomari Cortez, 18, at isang menor de edad, pawang taga-Sampaloc, Maynila.

Tinutugis naman ang mga kasabwat nilang sina Adolf Dizon, kapatid ni Franz; at Adrian Bravo, nasa hustong gulang.

Sa salaysay ng biktima, si “Nene”, 14, chinat siya ni Franz Angelo, at niyayang uminom sa garahe nito sa R. Papa Street nitong Mayo 31, dakong 4:30 ng madaling araw.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sinundo umano ni Dizon sina Nene at “She”, 15, at nakipag-inuman kasama ang iba pang suspek.

Nang malasing at makatulog ang mga biktima ay dinala umano ni Franz Angelo si Nene sa banyo at ginahasa.

Hindi pa nakuntento, inilabas pa umano ni Franz Angelo si Nene at pinilahan ng apat pang suspek.

Nakaligtas s i S h e s a panggagahasa dahil sa kanyang monthly period.

Gayunman, paghihipuan pa rin umano ito ng mga suspek.

Nakauwi ang mga biktima nang tulungan ng 15-anyos na kapatid ng magkapatid na Dizon.

Agad nagtungo sa presinto ang mga biktima, kasama ang kanilang kamag-anak, at nagsampa ng reklamo laban sa mga suspek.

Nadakip ang tatlong suspek sa follow-up operations ng pulisya sa naturang lugar.

Sasampahan ang mga suspek ng kasong rape (Republic Act 8353) in relation to Republic Act 7610 (Anti-Child Abuse Law).

-MARY ANN SANTIAGO