Ni Nora V. Calderon

NATAPOS na ang deadline sa submission ng scripts para sa Metro Manila Film Festival 2018 (MMFF) sa December. May 21, 2018 ang unang deadline, pero in-extend ito ng MMFF Executive Committee hanggang May 31, at every year daw ay ganoon na ang magiging deadline sa pagsa-submit ng scripts na isasali sa festival.

Ayon kay Noel Ferrer, spokesperson ng Executive Committee, 24 na script daw ang nai-submit mula sa 23 production companies na gustong sumali sa festival. Umabot sa 24 ang script dahil may mga producers daw na nagsama-sama sa isang script.

Nag-decide rin ang Execom ng MMFF na hindi nila ipaaalam ang titles at film productions na sumali para wala na raw pag-uusapan kung hindi mapipili ang isinumiteng script. Babasahin na ito ng Selection Committee at ipahahayag sa June 29 ang mapipili nilang first four official entries ng MMFF.

Tsika at Intriga

Sen. Win Gatchalian, pasimpleng kinumpirma hiwalayan nila ni Bianca Manalo?

Saka pa lamang magsisimulang mag-shooting ang four official entries at ang natitira pang apat na entry ay pipiliin naman mula sa mga finished film na isa-submit sa Execom, na ang deadline ay sa September 21.

May mga nagtanong daw kung totoong kasali sa MMFF ang Darna ng Star Cinema. Pero sa three movie scripts na submitted ng Star Cinema ay hindi kasali ang Darna.

Pero paano kung i-submit ito ng Star Cinema as finished product? Balita kasing tuluy-tuloy ang shooting ng Darna movie ni Liza Soberano.