MANAGUA (AFP) – Umakyat na sa halos isandaan ang bilang ng mga namatay sa ilang linggong karahasan sa Nicaragua nitong Huwebes habang nilalabanan ni President Daniel Ortega ang mga panawagan na bumaba sa puwesto at tumanggi ang Simbahang Katoliko, nagsumikap na gumitna sa gulo, na ituloy ang diyalogo habang mayroong namamamatay.

Halos 11 katao ang nasawi at 79 ang nasugatan nitong Miyerkules sa sagupaan ng pro- at anti-government supporters sa ilang lungsod, sinabi ng Nicaraguan Center for Human Rights (CENIDH) nitong Huwebes.

May 98 katao ang nasawi sa bugso ng mga protesta na nagsimula noong Abril 18 laban kay Ortega at sa kanyang ruling party, ang Sandinista National Liberation Front. Mahigit 900 naman ang nasugatan.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture