BEIRUT (Reuters) – Itinaas ni President Bashar al-Assad ang posibilidad na makasagupa ang U.S. forces sa Syria kapag hindi sila kaagad umurong sa bansa.

Sa panayam ng RT international broadcaster ng Russia, sinabi ni Assad na makikipagnegosasyon siya sa mga mandirigma na suportado ng Washington, ngunit babawiin ang teritoryong kinontrol ng mga ito kung kinakailangan, kahit na suportado sila ng mga tropang Amerikano.

Sa Washington, sinabi ng State Department na ayaw nitong makasagupa ang Syrian o Iranian forces, ngunit gagamit ng “necessary and proportionate force” para depensahan ang U.S. at mga kasanggang puwersa sa paglaban sa Islamic State sa Syria.

Sa RT interview, matalim din ang sagot ni Assad sa paglarawan sa kanyang hayop ni U.S. President Donald Trump, bumuwelta na “what you say is what you are”.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture